Malacañang dumistansiya sa pro-Duterte group na Tapang at Malasakit Alliance

By Den Macaranas October 24, 2017 - 04:25 PM

Inquirer photo

Nilinaw ng Malacañang na wala silang kinalaman sa grupong “Tapang at Malasakit Alliance” na binuo kahapon sa pangunguna ni Davao City Mayor Sara Duterte.

Ginawa ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella ang pahayag kasunod ng ilang ulat na ang Tapang at Malasakit Alliance ay magsisilbing tagapagkilala sa mga senatorial bet ng administrasyon sa 2019 elections.

Ayon kay Abella, malinaw ang naging pahayag ni Mayor Duterte na ang nasabing grupo ay bukas sa lahat ng mga gustong makiisa para sa pagkakaroon ng political peace sa bansa.

Pagpapakita rin umano ito ng pwersa ng mga grupong sumusuporta sa pangulo ng ating bansa.

Sa kanyang pahayag kahapon ay itinanggi rin ni Mayor Duterte ang mga ulat na naghahanda na siya sa pagtakbo bilang senador sa susunod na halalan.

Kung sakali anyang magdesisyon siyang kumandidato sa ibang posisyon ito ay bilang kinatawan sa Kamara ng unang distrito ng Davao City.

Ang paglulunsad ng Tapang at Malasakit Alliance kahapon ay dinaluhan ng ilang mga personalidad na kinabibilangan nina dating Pangulo at ngayo’y Manila Mayor Joseph Estrada, Ilocos Norte Gov. Imee Marcos at iba pang kapartido ng pangulo sa PDP-Laban.

TAGS: 2019, duterte, Sara Duterte, Senator, tapang at malasakit alliance, 2019, duterte, Sara Duterte, Senator, tapang at malasakit alliance

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.