Daan-daang cellphones at iba pang kontrabando na nasabat sa mga bilangguan, winasak ng BJMP
Sinira ang samu’t saring gadgets, mga sigarilyo at iba pang mga kontrabandong nakumpiska sa iba’t ibang mga kulungan sa Metro Manila, sa ilalim ng Oplan Greyhound.
Sa naturang oplan, may raid sa mga bilangguan upang kumpiskahin ang mga gamit na hindi dapat nasa loob ng piitan o pag-aari ng mga preso.
Ito ay bahagi rin ng “Oplan Linis Piitan” upang mawala na ang mga ipinagbabawal na gamit o kontrabando gaya ng cellphones, armas, lighters at maging ipinagbabawal na gamot.
Sa national headquarters ng Bureau of Jail Management and Penology o BJMP sa Mindanao Avenue, winasak ang mga kumpiskadong kontrabando.
Ayon sa BJMP, kabuuang 516 cellphones at 12 iba pang electronic gadgets tulad ng laptops ang ginulungan at sinira gamit ng road roller ng DPWH.
Desidido ang BJMP na ituluy-tuloy ang Oplan Greyhound upang masawata na ang pagpasok at paggamit ng mga konrabando sa anumang bilangguan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.