Ilang mga barangay sa San Juan, Pasig at QC, 5 hanggang 8 oras na mawawalan ng tubig
Mawawalan ng suplay ng tubig ang ilang mga barangay sa San Juan City, Pasig City at Quezon City.
Sa abiso ng Manila Water, mula alas 9:00 ng gabi ng Martes (October 24) hanggang alas 5:00 ng umaga ng Miyerkules (October 25) ay makararanas ng water interruption ang mga Barangay sa San Juan kabilang ang Little Baguio, Onse, Saint Joseph, Isabelita at Corazon De Jesus.
Ito ay dahil sa line maintenance ng Manila Water sa Santolan Road kanto ng Jose Abad Santos Street.
Samantala, sa Pasig City, magsisimula naman ng alas 10:00 ng gabi ng Martes (October 24) hanggang alas 4:00 ng umaga ng Miyerkules (October 25) ang water interruption sa Barangay San Miguel.
Ito ay bunsod din ng line maintenance sa bahagi ng Lupang Pari kanto ng Mecedes Avenue.
Mula naman alas 11:00 ng gabi ng Martes (October 24) hanggang alas 4:00 ng umaga ng Miyerkules (Ocotber 25) ang water interruption sa Barangay Teacher Village West at Sikatuna Village sa Quezon City.
Ayon sa Manila Water, mayroon din silang line maintenance sa Malhim Street kanto ng Mapagkawanggawa Street.
Pinapayuhan ang mga apektadong residente na mag-ipon na ng tubig na sasapat sa kanilang pangangailangan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.