Pagtanggi ni Duterte sa tulong ng EU, hindi makakaapekto sa Marawi rehab
Hindi magdudulot ng masamang epekto sa rehabilitasyon ng Marawi City ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na huwag nang tumanggap pa ng tulong mula sa European Union (EU).
Ito ang paniniwala ng Task Force Bangon Marawi na nakatoka sa rehabilitasyon ng lungsod mula sa limang buwang bakbakan sa pagitan ng mga pwersa ng gobyerno at teroristang Maute Group.
Ayon kay Office of Civil Defense Assistant Secretary Kristoffer James Purisima, hindi ito magiging “setback” dahil marami na rin naman silang natatanggap na pledges at suporta mula sa iba’t ibang sektor.
Magiging bukas din naman aniya sila sa pag-evaluate sa mga pledges at suporta na ibibigay para sa muling pagbangon ng Marawi.
Ayon pa kay Purisima, nagsimula nang magpulong ang Finance and Resource Management Subcommittee ng Task Force upang pag-usapan ang mga terms sa pagtanggap ng mga grants at donasyon.
Dagdag pa niya, tumutulong na din naman ngayon ang World Bank pati na ang Asian Development Bank.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.