EU: Culture of impunity, nananatiling problema sa Pilipinas; human rights violations, lalong tumindi

By Kabie Aenlle October 24, 2017 - 03:15 AM

 

Naglabas na ang European Union (EU) ng kanilang report ukol sa Human Rights and Democracy in the World para sa taong 2016.

Nakasaad dito ang pamamayagpag ng culture of impunity o ang hindi pagkakaroon ng parusa sa mga gumagawa ng krimen sa kasagsagan ng nagdaang administrasyong Aquino.

Mula doon, sinabi rin ng EU na nanatiling problema sa bansa ang culture of impunity at torture, at na hindi naman naipatupad ang ilang mga key legislative measures kaugnay nito.

Maliban dito, nabatid rin ng EU ang anila’y “serious deterioration” sa pag-respeto sa karapatang mabuhay, due process at pagpapairal ng batas.

Base pa anila sa natanggap nilang reports mula sa mga specialized non-government organizations, 31 na human rights defenders ang napatay sa Pilipinas noon lamang taong 2016.

Binanggit rin sa nasabing report ang mga pahayag ng pangulo na binibigyang katwiran ang pagpatay sa mga umano’y tiwaling mamamahayag at human rights advocates.

Mistula rin anilang hinimok ng mga pahayag ng pangulo ang pagiging agresibo ng mga pulis sa pagharap sa mga drug suspects.

Ayon umano sa mga human rights advocates, nahikayat rin ng mga pahayag ng pangulo ang pamamayagpag ng vigilante style na aextrajudicial killings.

Dahil dito, hinihimok ng EU ang pamahalaan ng Pilipinas na siguruhing nakasusunod pa rin sa batas ang ipinapairal na laban kontra iligal na droga.

Kabilang anila dito ang pagtitiyak na sasailalim sa due process at mapoprotektahan ang basic human rights ng mga Pilipino tulad na lang ng karapatang mabuhay.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.