Duterte: ‘Wala akong pakialam sa ratings’

By Rhommel Balasbas October 23, 2017 - 03:40 AM

 

Screengrab/RTVM

Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi na mahalaga para sa kanya ang ratings.

Ito ang ipinahayag ng pangulo sa kanyang talumpati sa pagtatapos ng Masskara Festival sa Bacolod kagabi.

Tugon ito ni Duterte upang bigyang diin ang isinasagawang mga polisiya kontra kriminalidad at upang mapanatili ang kapayapaan sa bansa.

Matatandaang sa inilabas na survey ng Social Weather Stations at Pulse Asia ay may nangyaring pagbaba sa ratings ng pangulo ngunit nananatili pa rin namang “very good” sa pamantayan ng performance ng isang public official.

Anya, wala na siyang pakialam kung bababa o tataas ang kanyang ratings sapagkat mas mahalaga sa kanya ang paninilbihan sa bayan.

Sinabi rin ng pangulo na ang ratings niya ay ang pagtatala ng anim na milyong lamang laban sa nakatunggali sa 2016 elections kaya tapos na anya siya sa isyu ng ratings.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.