Senado, dapat nang sumali sa peace talks ng gobyerno at NDFP – Drilon

By Kabie Aenlle October 23, 2017 - 03:25 AM

 

Naniniwala si Sen. Franklin Drilon na kailangan nang mas maging aktibo ang Senado sa pagsusulong ng peace process sa pagitan ng gobyerno at ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP).

Ito ang pahayag ni Drilon matapos niyang makipagpulong sa bagong special envoy ng Norwegian government sa Pilipinas para sa peace process sa komunistang grupo.

Ayon kay Drilon, kailangan nang manghimasok ng Senado para maisulong ang kapayapaan at pagkakaayos sa pagitan ng pamahalaan at ng NDFP.

Sa huli kasi aniya, isang batas ang kakailanganin para sa pagpapatibay o pagbuo ng relasyon ng magkabilang partido.

Nakipagpulong si Drilon kina Idun Tvedt and Elisabeth Slattum ng Ministry of Foreign Affairs ng Norway para sa peace talks kung saan tumutulong ang kanilang gobyerno bilang tagapamagitan.

Si Tvedt na ang papalit ngayon kay Slattum.

Nagpasalamat naman si Drilon sa pamahalaan ng Norway para sa mga tulong nito at pagsuporta sa peace negotiations ng gobyerno at ng NDFP.

Sa ngayon aniya ay hindi pa pormal na napag-uusapan ang peace process sa NDFP sa Senado.

 

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.