Dean ng UST law, nalulungkot sa nakadidismayang kinahantungan ng Aegis Juris Fraternity

By Kabie Aenlle October 23, 2017 - 01:36 AM

 

Ikinalungkot ng Dean ng University of Santo Tomas-Civil Law na si Nilo Divina ang aniya’y pagiging pariwara na ng mga bago at nakababatang miyembro Aegis Juris Fraternity na kaniya ring kinabilangan dati.

Ayon kay Divina, sumali siya sa nasabing fraternity noon pang taong 1986.

Sa mga panahong iyon aniya ay nakilala ang Aegis Juris dahil sa pagtataguyod nila ng academic excellence.

Karamihan aniya kasi sa kanilang mga miyembro noon ay pawang mga dean’s listers, at habang siya ay naging valedictorian, isa pa nilang miyembro ang itinanghal namang salutatorian at isa pa ang naging third honorable mention.

Sa kaniyang pagharap sa pagdinig ng Senado tungkol sa pagkamatay ng law student na si Horacio “Atio” Castillo III, inihayag niyang ilang miyembro ng fraternity ang pinatalsik niya sa faculty of law noong nakaraang taon.

Dahil aniya dito, kinaiinisan na siya ng ilang miyembro ng fraternity.

Sa katunayan ay ang kanilang pinuno ngayon na si Arvin Balag at isa pang miyembro na si Jose Miguel Salamat ay nasa Lyceum University of the Philippines-College of Law na naka-enroll nang maganap ang hazing kay Atio.

 

 

 

 

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.