Typhoon Lan, kasalukuyang hinahagupit ang Japan

By Justinne Punsalang October 22, 2017 - 07:44 PM

 

AFP photo

Matapos bayuhin ang Pilipinas ay nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility si Bagyong Paolo na mayroong international name na Lan at kasalukuyang hinahagupit ang bansang Japan.

Dahilan ito para magsilikas ang ilang libong mga residente sa naturang bansa.

Maging ang mga byahe sa mga paliparan at mga tren ay kanselado na rin.

Ayon sa Japan Meteorological Agency, huling namataan ang naturang bagyo sa timog ng Japan at kumikilos sa bilis na 40kph sa direksyon na northeast.

Inaasahan namang tatama sa kalupaan si Typhoon Lan malapit sa Tokyo bukas ng umaga.

Nag-isyu na ang ahensya ng heavy rainfall at flood warning sa Pacific side ng Japan, maging sa metropolitan area ng Tokyo.

Nagkaroon na rin ng maliit na mga landslide at pagtaas ng tubig sa mga ilog, dahilan sa dalang malalakas na pag-ulan ng bagyo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.