Bilang ng mga terorista sa Marawi City, nasa 10 na lang
Aabot na lamang sa sampu o higit pa na ISIS-terrorists ang nakakalaban ng tropa ng militar sa main battle area sa Marawi City.
Ayon kay Armed Forces of the Philippines spokesperson Major General Restituto Padilla, sa naturang bilang, dalawa ang pinaniniwalang dayuhang terorista.
Sinabi pa ni Padilla na isa sa kanilang tinutugis ngayon si Kumander Amin Bacu pero wala na itong impluwensya sa mga lokal na terorista.
Aabot din aniya sa sampu ang hawak na bihag ng mga terorista.
Limang gusali na lamang aniya ang kinakailangan na i-clear mula sa mga terorista.
Una rito, sinabi ni Western Mindanao Command Lt. Gen. Carlito Galvez na maaring matapos na ngayong araw ang giyera sa Marawi City.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.