Bagyong Paolo, lalabas na ng PAR ngayong araw
Napanatili ni Bagyong Paolo ang lakas nito na 185kph at pagbugso na aabot sa 225kph habang ito ay patuloy na lumalabas ng Philippine Area of Responsibility sa bilis na 27kph sa direksyong north northeast.
Huli itong namataan sa layong 1,190km east northeast ng Basco, Batanes at inaasahang tuluyan na itong makakalabas ng PAR ngayong umaga.
Sa huling abiso ng PAG-ASA, asahan na ang katamtaman hanggang sa mabigat na mga pag-ulan sa loob ng 1,900km diameter ng naturang bagyo. P
inalalakas din ni Bagyong Paolo ang southwesterly winds kaya magkakaroon ng mahina hanggang sa katamtaman, na paminsan ay mabigat na mga pag-ulan sa Mindanao, Western Visayas, at Palawan dulot ng thunderstorms.
Wala namang nakataas na tropical cyclone warning signal dulot ng naturang bagyo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.