Mga nawawalang puntod, sinolusyonan ng dalawang pangunahing sementeryo sa Maynila
Inaasahang dadagsain ng nasa pinagsamang 2.5 milyong katao ang Manila North at Manila South Cemetery ngayong darating na Undas. At isa sa kadalasang nagiging problema ay ang mga nawawalang puntod.
Kaya naman pinadali na ng pamunuan ng Manila South Cemetery ang paghahanap sa mga mga ito gamit ang kanilang website na www.manilasouthcemetery.com.ph/
Sa naturang website, madali na lamang mahahanap ang eksaktong lokasyon ng mga hinahanap na puntod, kumpara sa pisikal na paglalakad sa loob ng Manila South Cemetery sa mismong araw ng Undas.
Ayon kay sa isang staff ng Manila South Cemetery na si Jonjon Villavacua, kailangan lamang i-type ang pangalan ng namatay na kaanak at lalabas na doon ang section kung saan ito nakahimlay.
Gayundin ang naisip na solusyon ng pamunuan ng Manila North Cemetery na ma-aaccess naman sa www.manilanorthcemetery.com.ph
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.