Malaysian terrorist bagong lider ng Maute group ayon sa AFP
Ang Malaysian terrorist na si Amin Bacu na ang tumatayong lider ng 20 natitirang miyembro ng Maute group na nakikipaglaban pa rin sa mga tauhan ng pamahalaan sa Marawi City.
Sa report na nakarating sa Camp Aguinaldo, si Bacu ang sinasabing nag-take over sa posisyon nina Isnilon Hapilon, Omar Maute at ang isa pang Malaysian terrorist na si Dr. Mahmud Ahmad.
Nilinaw rin ng Armed Forces of the Philippines na tatlong mga gusali na lang ang hawak ngayon ng mga terorista pero sila ay napapaligiran na ng mga tauhan ng militar at Philippine National Police.
Kasabay ng pagbabantay sa grupo ay sinimulan na rin ng mga bomb experts ang kanilang sweeping sa mga lugar na pinaniniwalaang tinaniman ng mga bomba ng mga terorista.
Sa pulong balitaan sa Malacañang kahapon ay sinabi ng liderato ng AFP na matatapos na ang gulo sa Marawi bago matapos ang kasalukuyang buwan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.