5 sundalo sugatan sa pagpapasabog ng BIFF sa Maguindanao

By Kabie Aenlle October 21, 2017 - 05:02 AM

Sugatan ang limang sundalo dahil sa pagsabog ng isang granada sa Shariff Aguak, Maguindanao na hinihinalang pakana ng mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF).

Ibinato ng mga hinihinalang BIFF members ang granada sa mismong harap ng Army detachment sa Barangay Labo-Labo sa nasabing bayan.

Ayon kay 6th Infantry Division commander Maj. Gen. Arnel dela Vega, posibleng naghihiganti ang BIFF dahil sa pagkamatay ng kanilang mga miyembrong sina Narolam Kasan at kapatid nitong si Saiden na mga anak ng isa sa kanilang mga pinuno.

Isinagawa ng militar ang opensiba na ikinasawi ng mga bandido noong Huwebes sa Shariff Saidona.

Ikinasa nila ito matapos magsumbong ang mga residente sa Barangay Pagatin 1 tungkol sa presensya ng mga armadong kalalakihan sa kanilang lugar.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.