Tugade, hindi sisibakin ni Pangulong Duterte

By Kabie Aenlle October 21, 2017 - 04:33 AM

Sa kabila ng mga lumalabas na alegasyon na si Transportation Sec. Arthur Tugade na ang sunod na sisibakin sa Gabinete, tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi ito mangyayari.

Paliwanag ng pangulo, walang oras si Tugade para gumawa ng katiwalian dahil maging ang sariling pera nito aniya ay hindi niya kayang bilangin.

Ani pa Duterte, si Tugade ang pinakamatalino sa kaniyang mga kaklase noon sa law school.

Matatandaang paulit-ulit na sinabi ni Duterte na makarinig lang siya ng bulung-bulungan tungkol sa umano’y katiwalian, hindi siya mangingimi na sibakin ang opisyal o kawani ng gobyernong masasangkot dito.

Ang pinakahuling sinibak ng presidente dahil sa umano’y katiwalian ay si Budget Undersecretary Gertrudo de Leon na kinumpirma mismo ni Sec. Benjamin Diokno.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.