Mga tanggapan ng gobyerno sa PICC, isang linggong walang pasok

By Chona Yu October 20, 2017 - 06:43 PM

Isang linggo na walang pasok sa trabaho ang mga government agencies na nag-oopisina sa Philippine International Convention Center (PICC) sa Pasay City.

Base sa Memorandum Circular No. 30 na nilagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea, walang pasok sa PICC simula October 22 hanggang 28.

Ito ay para bigyang daan ang 12th Conference of the Parties to the Convention on the Conservation of Migratory Species of Wild Animals.

Mismong ang Inter Agency Organizing Committee ang nag-rekomenda sa Malakanyang na suspendihin ang trabaho dahil sa pagho-host ng Pilipinas sa naturang event.

Inataasan din ng palasyo ang mga tanggapan ng gobyerno na nag-oopisina sa PICC na ituloy pa rin ang kanilang mga functions sa kani kanilang sattelite office.

Mananatiling bukas naman ang Office of the Asean Secretariat at magiging normal pa rin ang operasyon nito.

TAGS: PICC, PICC

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.