Flights sa gabi, ibabalik na ng Legazpi Airport
Inanunsyo ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na magbabalik na ang mga panggabing flights ng Legazpi Domestic Airport.
Ito’y dahil natapos na nila ang mga pagkukumpuning ginawa sa runway threshold indicator lights (RITL) na nasira dahil sa pag-tama ng kidlat sa paliparan noong Biyernes.
Ayon kay CAAP spokesperson Erick Apolonio, nagawa na ng mga technicians ang mga wires at pasilidad na nasira ng kidlat.
Nang dahil kasi sa insidente, sinuspinde muna ng CAAP ang mga flights sa gabi sa paliparan mula pa noong Sabado.
Inabisuhan nila ang mga airlines na may flights ng Manila to Legazpi at Legazpi to Manila na pansamantalang limitahan ang kanilang operasyon tuwing umaga muna habang ginagawa pa ang mga nasaibing pasilidad.
Nang matapos ang mga pagkukumpuni, agad na sinabihan ang mga airlines na may biyahe tuwing gabi na maari na nila ulit ituloy ang kanilang night flights.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.