Hangga’t ‘di napupuksa ang kahuli-hulihang terorista, martial law, magpapatuloy – Duterte

By Rhommel Balasbas October 20, 2017 - 12:35 AM

 

Mananatiling nasa ilalim ng martial law ang Mindanao sa kabila ng pagkakasawi ng top leaders ng Maute Group.

Ayon kay Pangulong Duterte, hindi mahihinto ang Martial Law hangga’t hindi napapatay ang kahuli-hulihang terorista.

Anya, kaya siya nagdeklara ng Martial Law ay upang wakasan ang banta sa seguridad ng mga militanteng konektado sa Islamic State.

Iginiit ng Pangulo na maaari pang umatake ang mga ISIS inspired groups na ito laban sa pwersa ng pamahalaan habang isinasagawa ang mga clearing operations sa battle area.

Ramdam anya niya na mangyayari ang mga muling pag-atake ng mga kalaban ngunit hindi lang masasabi kung kailan.

Muli namang pinasalamatan ng pangulo ang US, China at Israel sa suporta ng mga ito at sa pagbibigay ng mga karagdagang armas para labanan ang terorismo sa Marawi.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.