ID System, ipaiiral sa mga babalik na residente ng Marawi

October 20, 2017 - 12:03 AM

 

Sasailalim sa ID system ang mga Interally-Displaced Persons o mga ‘bakwit’ na maari nang bumalik sa kanilang mga tahanan sa Marawi City.

Sa press conference ng Task Force Ranao, sinabi ni Col. Romeo Brawner na hihingiin nila ang tulong ng mga opisyal ng barangay upang maisakatuparan ito.

Ayon kay Brawner, kailangang hingian ng IDs ang mga bakwit na babalik sa Marawi City upang matiyak na sila ay mga lehitimong residente.

Dagdag seguridad rin ito, upang hindi sila malusutan ng mga miyembro ng ISIS-Maute group na posibleng magpanggap bilang sibilyan.

Ayon kay Brawner, isa-isang i-iidentify at be-beripikahin ng mga barangay chairman at mga opisyal ang mga babalik na residente dahil sila ang nakakakilala sa mga ito.

Paliwanag ni Brawner, bago makabalik ang isang ‘bakwit’ sa kanyang bahay, kailangan ay nasa listahan ito ng barangay, at may sertipikasyon mula sa mga opisyal.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.