DENR pabor sa dagdag na buwis sa mga mining companies

By Chona Yu October 19, 2017 - 03:37 PM

Pabor si Environment Secretary Roy Cimatu na taasan ang excise tax na sinisingil ng gobyerno sa mga mining companies sa bansa.

Sa pulong balitaan sa Malacañang, sinabi ni Cimatu na masyadong maliit ang two percent na buwis na ibinabayad ng mga mining companies.

Bukod sa excise tax, nagbabayad din ang mga mining company ng corporate income tax at fee sa local government unit.

ayon kay Cimatu, ipauubaya na niya sa mining industry coordinating council ang pagpapasya kung magkano ang idadagdag na excise tax.

Inihalimbawa ni Cimatu ang ibang bansa na umaabot sa 10 percent ang excise tax na sinisingil ng gobyerno sa mga mining companies.

TAGS: cimatu, DENR, mining firms, tax, cimatu, DENR, mining firms, tax

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.