Mag-inang bihag ng Maute group kabilang sa mga bagong nailigtas sa Marawi City

By Cyrille Cupino October 19, 2017 - 03:12 PM

Radyo Inquirer

Nasagip ng mga sundalo ang dalawang hostages ng mga terrorista sa Marawi City.

Ayon kay Maj. Gen. Restituto Padilla, tagapag-salita ng Armed Forces of the Philippines, na-rescue nila ang mag-ina kasama ang isang dalagang tinatayang nasa 15 hanggang 16 taong gulang.

Ayon kay Padilla, bahagyang nasugatan ang bata matapos tamaan ng bala, pero ligtas na rin ang kalagayan nito.

Nailigtas ng mga sundalo ang mag-ina sa kalagitnaan ng bakbakan kaninang umaga kung saan pitong mga terrorista ang napatay.

Ang mga nasagip na hostages rin ang nagsabi sa militar na isa sa mga napatay kagabi ang isang foreign national na posibleng si Malaysian terrorist Dr. Mahmud Ahmad.

Anim naman ang nasugatan at isa ang nasawi mula sa panig ng gobyerno sa nasabing engkwentro.

TAGS: ahmad, marawi, Maute, Terrorism, ahmad, marawi, Maute, Terrorism

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.