7 na ang patay sa pagbaha sa Zamboanga City; state of calamity, idineklara

By Dona Dominguez-Cargullo October 19, 2017 - 10:50 AM

FB Photo | Mayor Beng Climaco

Isinailalim na sa state of calamity ang Zamboanga City dahil sa matinding pagbaha na naranasan sa lungsod nitong mga nagdaang araw dulot ng inter-tropical convergence zone at Typhoon Paolo.

Inirekomenda ng City Disaster Risk Reduction Management Council (CDRRMC) sa pamumuno ni Mayor Beng Climaco sa Sangguniang Panglungsod ang pagpasa ng resolusyon para sa deklarasyon ng state of calamity dahil sa matinding pinsala na natamo ng lungsod lalo na sa agricultura at imprastraktura.

Sa ulat ng City Social Welfare and Development Office dahil sa matinding pagbaha at storm surge nasa 3,666 na pamilya na o 18,330 na indibidwal ang naapektuhan mula sa 17 coastal barangays.

Pito ang naitalang nasawi, 158 na mga bahay ang nawasak at 327 na iba pa ang nagtamo ng sira.

Sa sektor ng agrikultura, sinabi ni City Agriculturist Diosdado Palacat na 1,150 na mga magsasaka ang apektado makaraang masira ang 310 na ektarya ng tanim na palay, 477 na ektarya ng pananim na mais at 144 na ektarya ng pananim na gulay.

Sa kabuuan, tinatayang aabot sa P45.970 million ang halaga ng pinsala ng pagbaha sa agrikultura.

 

 

 

 

 

 

TAGS: flashfloods, storm surge, Zamboanga City, flashfloods, storm surge, Zamboanga City

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.