MMDA Chairman Tolentino, ipinagtanggol ni Mayor ‘Erap’
Ipinagtanggol ni Manila Mayor Joseph Estrada si Metropolitan Manila Development Authority Chairman Francis Tolentino sa alegasyon na ang MMDA daw ang nagpalala sa trapiko sa Kalakhang Maynila.
Ayon kay Estrada, kahit anong husay ni Tolentino o anong galing ng traffic enforcers ng MMDA, hindi agad-agad mareresolba ang problema sa trapiko.
Dagdag ni Estrada, dumarami ng dumarami ang mga sasakyan, subalit wala naman daw karagdagang kalye o imprastraktura.
Para sa dating Presidente, kung tutuusin ay dapat pa ngang purihin si Tolentino dahil sa umano’y pagiging mahusay na lider nito.
Patuloy na binabato ng kritisismo si Tolentino dahil sa matinding traffic condition sa mga lansangan, lalo na sa EDSA.
Subalit ngayon ay hawak na ng PNP-Highway Patrol Group ang traffic management sa EDSA.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.