Bagyong Paolo, LPA magpapaulan sa ilang bahagi ng bansa
Napanatili ng bagyong ‘Paolo’ ang lakas at bilis nito habang patuloy na tinatahak ang pahilagang direksyon.
Ayon sa 11:00 pm update ng PAGASA, namataan ang sentro ng bagyo sa layong 830 kilometro sa silangan ng Legazpi City, Albay.
Taglay ng bagyo ang lakas ng hangin na nasa 120 kph at pagbugsong nasa 140 kilometro bawat oras.
Magdudulot ng scattered moderate hanggang heavy rains ang bagyo sa Bicol Region, Eastern Visayas at Caraga samantalang light to moderate rains naman ang idudulot nito sa ilang bahagi ng Southern Luzon, Visayas at Mindanao.
Samantala, ang Low Pressure Area (LPA) naman ay namataan sa 305 kilometro sa kanlurang bahagi ng Puerto Princesa city, Palawan.
Scattered light to moderate rains na may posibilidad ng heavy rains ang idudulot ng LPA sa Palawan area.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.