Mataas na marka napanatili ng Senado at Kamara sa SWS survey

By Rohanissa Abbas October 18, 2017 - 06:03 PM

Nasisiyahan ang publiko sa performance ng Senado, Kamara at Korte Suprema na nakakuha ng “good” satisfaction rating batay sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations.

Bumaba nang tatlong puntos ang net satisfaction rating ng Senado sa +46 ngunit nanatili pa rin itong indikasyon ng good satisfaction.

Mas nakararaming Pilipino sa 62% ang nasisiyahan sa Mataas na Kapulungan.

Hindi naman nagbago ang satisfaction ratings ng Kamara sa +34 net satisfaction rating kung ikukumpara noong Hunyo.

Katumbas ito ng 52% nasiyahan sa Mababang Kapulungan, habang 18% ang hindi nasiyahan sa performance nito.

Bagaman nananatili sa “good” satisfaction, bumaba nang pitong puntos ang net satisfaction ng Korte Suprema sa +31.

Ang naturang survey ay isinagawa mula September 23 hanggang 27 sa 1,500 respondents sa iba’t ibang panig ng bansa.

TAGS: Kamara, Ratings, Senate, survey, SWS, Kamara, Ratings, Senate, survey, SWS

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.