John Paul Solano, Ralph Trangia, humarap sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senado sa pagkamatay ni Atio Castillo
Muling nagsagawa ng pagdinig ang Senado hinggil sa pagkamatay ng hazing victim na si Horacio Castillo III.
Humarap sa pagdinig ang mga ipinatawag na miyembro ng Aegis Juris fraternity na sina John Paul Solano, Ralph Trangia, OJ Onofre, Axel Jipe, Arvin Balag at iba pa.
Sa pagsisimula ng pagdinig, sinermunan ni Senator Migz Zubiri si Solano dahil sa kabiguan nitong ibigay sa komite at sa Department of Justice ang kaniyang sinumpaang salaysay na naglalaman ng kaniyang mga inilahad sa executive session ng senado.
Ayon kay Zubiri, mistulang ginagago ni Solano ang komite dahil sa hindi nito pagtupad sa kaniyang pangako.
Sen Zubiri pinagalitan si John Paul Solano dahil sa hindi pagtupad sa ipinangako sa exec session na ilabas ang sworn statement @dzIQ990 pic.twitter.com/uGxoqCFuII
— ruel perez (@iamruelperez) October 18, 2017
Pero dahilan ni Solano, hindi niya kontrolado ang sitwasyon at ang proseso sa preliminary investigation sa DOJ kaya bigo pa siyang maibigay ang kaniyang affidavit.
Maging si Senator Win Gatchalian ay nadismaya kay Solano.
Ani Gatchalian, iba ang mga sinasabi ni Solano sa kaniyang ikinikilos.
Dahil dito, nag-mosyon si Zubiri na ipatupad na ang resolusyon na nagsasabing dapat isapubliko ang mga pahayag ni Solano sa isinagawang executive session na inaprubahan naman ng lahat ng committee members.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.