Pag-aalis ng martial law sa buong Mindanao inihirit ni Sen. Bam Aquino
Umaasa si Sen. Bam Aquino na babawiin na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang deklarasyon ng Martial Law sa buong Mindanao na nagsimula noon pang May 23.
ang pahayag ay ginawa ni Aquino makaraang mapatay ang dalawang lider ng teroristang grupo na sina Omar Maute at Isnilon Hapilon.
Ayon sa mambabatas, tagumpay ng maituturing ang pagkapatay kina Maute at Hapilon kaya panahon na para ibuhos ng pamahalaan ang atensyon sa pagbangon at pagpapaunlad ng Marawi City.
Giit ni aguino, maituturing ng ligtas na ngayon ang buong bansa kasama ang Mindanao at para sa mga Filipino ay marapat lang na maibalik na ang normal na buhay ng mga pamilyang Maranao na naapektuhan ng kaguluhan.
Kanina ay idineklara na rin ng pangulo ang kalayaan ng Marawi City mula sa mga kamay ng Abu Sayyaf at Maute group.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.