Hirit ng mga tsuper sa Parañaque: Rehabilitasyon hindi modernisasyon

By Rod Lagusad October 17, 2017 - 01:10 PM

Kuha ni Rod Lagusad

Sa ikalawang araw ng tigil pasada ng grupong PISTON may mga tsuper at operators na nakilahok sa protesta sa Parañaque City.

Ayon kay Jayson Pahilagutan, Vice President ng PISTON Parañaque, ang sinasabing modernisasyon ay isa aniyang monopolisasyon at isang gagawing korporasyon.

Nang matanong kung ano ang magiging katangg-tanggap sa kanilang hanay ay kanilang iginiit na ang kanilang gusto ay rehabilitasyon sa mga makina at k dito mismo sa Pilipinas manggaling at hindi nag-aangkatin.

Ipinakita ni Pahilagutan ang inilabas na Department Order No. 2017-011 ng Department of Transportation (DOTr) ang Omnibus Guidelines on the Planning and Identification of Public Road Transportation Services and Franchise Issuance at kanyang sinabi na ang ibig sabihin nito ay hahati-hatiin ang kanilang prangkisa.

Kasama rin aniyang nakapaloob dito ang mga driver ay magiging swelduhan na lamang.

Kasama din sa kanilang ikinasasama ng loob ay hindi gawang Pilipino ang mga bagong jeep na ipinakita sa nakaraang exhibit.

Sa kanilang obserbasyon ay kanilang naparalisa ang rutang kanilang kinabibilangan na Sucat papuntang Baclaran.

Patuloy din ang kanilang paghihikayat sa mga kasamahan na sumama sa kanilang ipinaglalaban.

Inamin nito na isang mahirap na sakripisyo ang kanilang ginagawa para kanilang maiparating ang kanilang hinaing at sila ay nag-ambagan para sa kanilang makakain.

Mananatili sila hanggang alas singko ng hapon sa pagprotesta sa kalsada.

Sa kabuuan nanatiling mapayapa ang isinagawang kilos protesta mula kahapon.

Nanatiling organisado at disiplinado ang kanilang hanay.

Sa huli, humhiingi sila ng paumanhin at pang-unawa sa mga mananakay na maintindihan ang kanilang ipinaglalaban dahil kapag ito ay natupad sila mismo aniya ay maapektuhan.

 


 

 

 

 

 

TAGS: paranaque city, PISTON, tigil pasada, transport strike, paranaque city, PISTON, tigil pasada, transport strike

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.