Senado, nagpalabas ng subpoena laban kay Ralph Trangia at 13 iba pang miyembro ng Aegis Juris

By Len Montaño October 17, 2017 - 12:55 PM

Radyo Inquirer file photo | Jomar Piquero

Naglabas ng subpoena ang Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs para sa labingapat na indibidwal na umano’y sangkot sa pagkamatay kay hazing victim Horacio Castillo III.

Ayon kay Senator Panfilo Lacson, kasama sa summon ang Aegis Juris Fraternity member na si Ralph Trangia na nadawit sa kaso dahil sasakyan niya ang gamit sa pagdadala kay Castillo sa ospital.

Pumunta ng Amerika si Trangia noong September 19 kasama ang kanyang ina, isang araw bago ito ilagay at iba pang suspects sa immigration lookout bulletin ni Justice Secretary Vitaliano Aguirre II.

Bukod kay Trangia, ipinatawag din para dumalo sa imbestigasyon ng pagkamatay ni Castillo ay sina Arvin Balag, Aeron Salientes, Mhin Wei Chan, Mark Anthony Ventura, Oliver John Audrey Onofre, Ranie Rafael Santiago, Zimon Padro, Joshua Joriel Macabali, Karl Matthew Villanueva, Jose Miguel Salamat, Danielle Hans Matthew Rodrigo, Axel Munro Hipe at Marcelino Bagtang.

Ang mga ito ay nahaharap sa mga kasong murder, robbery at paglabag sa anti-hazing law.

Bukas araw ng Miyerkules ang nakatakdang ikalawang hearing ng komite ni Lacson na naglabas din ng notices to appear sa labing-apat na alumni ng Aegis Juris fraternity.

 

 

 

 

 

 

TAGS: aegis juris, horacio castillo, Radyo Inquirer, senate committee on public order, subpeona, aegis juris, horacio castillo, Radyo Inquirer, senate committee on public order, subpeona

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.