3 patay sa pananalasa ng Typhoon Ophelia sa Ireland

By Mariel Cruz October 17, 2017 - 11:19 AM

Patay ang tatlong katao makaraang manalasa ang Typhoon Ophelia sa timog na bahagi ng Ireland.

Ayon sa Ireland Electricity Supply Board, mahigit 360,000 na bahay at establisyimento ang nawalan ng kuryente dahil sa bagyo at inaasahang madadagdagan pa ito ng halos 100,000 sa mga susunod na oras.

Nasa 170 na biyahe naman sa Dublin at Shannon airports ang kinansela na dahil pa rin sa bagyo.

Nabatid na nasawi ang dalawa sa mga biktima nang mabagsakan ng puno ang kanilang sasakyan.

Ang isa pa ay namatay naman habang sinusubukang alisin ang nakaharang na puno na bumagsak sa kalsada gamit ang isang chainsaw.

Mananatili naman nakasara ang mga ospital at public transport services sa Ireland at Northern Ireland bunsod ng bagyo.

Nagpaalala naman si Prime Minister Leo Varadkar sa publiko na manatili na lamang sa loob ng kanilang bahay para makaiwas sa disgrasya.

 

 

 

TAGS: hurricane ophelia, hurricane ophelia

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.