Bagyong ‘Paolo’ nasa loob na ng PAR

By Jay Dones October 17, 2017 - 12:29 AM

 

Nasa loob na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang bagyong namataan sa bahagi ng Guiuan, Eastern Samar.

Sa 11:00 PM update ng PAGASA, namataan ang sentro ng bagyo sa 940 kilometro sa silangang bahagi ng bayan ng Guiuan.

Dahil nasa loob na ng PAR, tatawagin na itong bagyong ‘Paolo’.

Taglay ng bagyong Paolo ang lakas ng hanging aabot sa 80 kilometro malapit sa gitna at pagbugsong nasa 95 kph.

Inaasahang tatahakin ng bagyo ang direksyong west-northwest sa bilis na 11 kilometro kada oras.

Gayunman, ayon sa Pagasa, wala pang direktang epekto ang naturang bagyo sa bansa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.