Mga oil companies may dagdag-bawas sa presyo ng kanilang mga produkto
Magpapatupad bukas ng dagdag-bawas ang ilang kumpanya ng langis sa kanilang mga panindang petrolyo bukas ng umaga.
Kabilang dito ang Pilipinas Shell, Seaoil, Petron, Chevron, Phoenix Petroleum, Jetti, Clean Fuel, PTT at Unioil na nagsabing magpapatupad ng dagdag na P0.20 sa bawat litro ng gasolina samantalang rollback naman na P0.15 sa bawat litro ng kerosene o gaas.
Wala namang paggalaw sa halaga ng kanilang mga ibinebentang diesel base sa magkakasunod na advisories na inilabas ng nasabing mga oil companies.
Nauna nang sinabi ng Department of Energy na malikot ang halaga ng petroleum products sa world market dahil sa supply and demands.
Noong nakalipas na linggo ay magkakasabay na nagtapyas sa presyo ng kanilang mga produkto ang mga kumpanya ng langis.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.