AFP hindi interesado sa rewards na nakapatong sa ulo nina Hapilon at Maute brothers

By Cyrille Cupino October 16, 2017 - 05:59 PM

Blanko pa ang Armed Forces of the Philippines kung kanino mapupunta ang milyun-milyung halaga ng dolyar na patong sa ulo ng dalawang napatay na lider ng Maute at Abu Sayyaf group.

Ayon kay Brig. Gen. Restituto Padilla, $5 Million ang itinakdang reward para kay Isnilon Hapilon, habang P10 Million naman ang patong sa ulo ni Omar Maute.

Ayon kay Padilla, hindi iniisip ng Sandatahang Lakas ang makukuhang pabuya, kundi ginawa lamang ng mga sundalo ang kanilang trabaho upang mailigtas ang mga hostages.

Hindi pa rin umano alam ni Padilla kung dapat bang ibigay sa mga sundalong nakapatay kanila Maute at Hapilon ang reward, sa mga pulis, o sa taong nakapagturo kung saan nagtago ang mga terorista.

Ayon pa kay Padilla, hinihintay pa rin nila ang resulta ng DNA test sa bangkay nina Maute at Hapilon na magku-kumpirma sa identity ng dalawang lider na terorista.

Sina Hapilon at Maute ay napatay makaraan ang isinagawang pagsalakay ng mga tauhan ng Scout Rangers ng Philippine Army sa natitira nilang mga lugar sa loob ng Marawi City.

TAGS: AFP, ISIS, isnilon, marawi, Martial Law, Maute, AFP, ISIS, isnilon, marawi, Martial Law, Maute

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.