Binatikos ng Kilusang Mayo Uno ang TV network na GMA7 dahil sa umano’y pagpapakita nito ng magandang imahe sa publiko sa kabila ng patuloy nitong pagpapahirap sa kanilang mga manggagawa.
Ayon kay Elmer “Bong” Labug, Chairperson ng KMU, malupit at pinagkakaitan ng kinabukasan ng GMA7 ang kanyang mga manggagawa at pamilya na makalipas na maglingkod sa TV network ng mahabang panahon ay matatanggal lamang sa kumpanya.
Katuwang ng grupo ng mga manggagawa ng GMA7 na Talents Association of GMA o TAG ang KMU sa panawagang regularisasyon ng kontrakwal at muling ibalik ang mga tinanggal sa trabaho.
Samantala, nagbanta naman si Cristian Cabaluna, Presidente ng TAG na patuloy ang kanilang kilos protesta laban sa GMA7.
Ayon kay Cabaluna, may bagong panggigipit umano ang GMA sa kanila, kabilang na ang pagpapapirma ng ‘discriminatory acknowledgment receipt’ bago makakuha ng sweldo.
Una nang naghain ng reklamo ang grupo sa NLRC sa umano’y pagmamalupit ng GMA7 sa kanilang mga manggagawa. / Jong Manlapaz
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.