WATCH: Tigil-Pasada ng PISTON, sinabayan ng kilos protesta ng mga militanteng grupo

By Isa Avendaño-Umali October 16, 2017 - 10:11 AM

Kuha ni Isa Umali

Sinabayan ng kilos-protesta ng iba’t-ibang militanteng grupo ang isinagawang nationwide transport strike ng grupong PISTON.

Sa bahagi ng Litex sa Commonwealth may mga miyembro ng Gabriela ang nagsagawa ng kilos-protesta at nakiisa sa panawagang huwag ituloy ang phase out sa mga luma nang pampasaherong jeep.

Sa Quezon Avenue naman, may mga miyembro ng KADAMAY ang nagsagawa ng protesta.

Maging ang mga miyembro ng BayanMuna at Courage ay nakiisa din sa tigil-pasada ng PISTON.

Samantala, sa Aurora Boulevard sa Cubao, nagkairingan ang mga pulis at mga miyembro ng Gabriela, makaraang sakupin at maharangan ng mga nagpoprotesta ang major road.

Nainis pa si NCRPO Chief Oscar Albayalde sa mga pulis nang datnan niya ang mga nagpo-protesta na nakarang na sa kalsada.

Aniya, iilan lamang naman ang mga nagpoprotesta pero hindi sila maawat ng mga nakabantay na pulis.

Sinabi ni Albayalde na hindi naman nila binabawalan ang grupo na magsagawa ng protesta dahil karapatan nila ito.

Kailangan lamang aniya na irespeto rin ng mga ito ang karapatan ng mga mamamayan na gumagamit ng lansangan.

Samantala sa España Boulevard sa Maynila, pansamantala ring nahinto ang daloy ng traffic makaraang humiga sa kalsada ang mga miyembro ng militanteng grupo.

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: BayanMuna, gabriela, Kadamay, kilos-protesta, PISTON, Radyo Inquirer, tigil pasada, transport strike, BayanMuna, gabriela, Kadamay, kilos-protesta, PISTON, Radyo Inquirer, tigil pasada, transport strike

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.