17 bihag ng Maute, nailigtas ng militar sa Marawi

By Mariel Cruz October 16, 2017 - 08:49 AM

Nailigtas ng militar ang labing pitong bihag ng Maute terror group sa Marawi City, gabi ng Linggo.

Nabatid na kabilang sa mga nailigtas ay pawang mga babae at bata.

Ayon kay Col. Romeo Brawner Jr., deputy commander ng Joint Task Force Ranao, hindi pa nila nakakausap ang mga nailigtas na bihag at wala silang naitatanong sa mga ito.

Sa ngayon aniya ay binigyan muna nila ng oras para makapagpahinga ang mga sibilyan.

Dahil dito, umabot na sa tatlumpu’t walong hostage ang nailigtas ng militar sa teroristang grupo ngayong buwan.

Hindi pa naman masabi ni Brawner kung ilan pang hostage ang hawak ng Maute group pero naniniwala sila na patuloy nang lumiliit ang lugar na pinagkukutaan ng mga terorista.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: AFP, Marawi City, Maute Terror Group, Terrorism, AFP, Marawi City, Maute Terror Group, Terrorism

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.