Aguirre, itinangging wala siyang pakialam sa kaso ng naipuslit na P6.4B shabu

By Kabie Aenlle October 16, 2017 - 03:15 AM

 

Mariing pinabulaanan ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre II ang lumabas sa ulat ng Senate blue ribbon committee na mistulang wala siyang pakialam sa pagkakalusot ng P6.4 bilyong halaga ng shabu sa bansa mula sa China nang hindi nasisita ng Bureau of Customs (BOC).

Ayon kasi sa report ng komite na pinamumunuan ni Sen. Richard Gordon, parang hindi justice secretary si Aguirre sa kaniyang pagharap sa nasabing kaso noong kasagsagan ng pagdinig ng Senado tungkol dito.

Nakasaad pa dito na nakalulungkot dahil sa pagdalo ni Aguirre sa pagdinig noong September 19, mistulang sinukuan na nito ang naturang kaso.

Pero mariing itinanggi ni Aguirre ang mga akusasyon at iginiit na pawang obserbasyon lang ang mga ito na walang basehan, bukod sa katotohanang marami pa siyang mga bagay na kailangang gawin.

Paliwanag pa ni Aguirre, agad gumawa ang DOJ ng panel of prosecutors na agad ding nagsagawa ng preliminary investigation kaugnay sa mga kasong isinampa ng National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Naglabas na rin aniya sila ng lookout bulletin laban sa mga respondents sa kasong inihain ng NBI, na kinabibilangan nina dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon, dating Customs Investigation and Intelligence Service chief Neil Anthony at maraming iba pa.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.