Unang titulo matapos ang ‘doping ban’ nakuha ni Sharapova sa Tianjin Open
Dalawang taon matapos ang kanyang ban sa paglalaro ng professional tennis dahil sa ‘doping ban’, nagawa nang muli ni Maria Sharapova na manalo ng panibagong World Tennis Association (WTA) title.
Naiuwi ni Sharapova ang WTA cup sa Tianjin Open na ginanap sa China matapos talunin ang 19-anyos na kalabang si Aryana Sabalenka ng Belarus.
Si Sharapova ay nakapasok sa Tianjin Open sa pamamagitan ng wildcard entry.
Sa kanyang pagkapanalo, umakyat sa ika-57 ang world ranking ni Sharapova mula sa ika 86 na puwesto.
Noon lamang buwan ng Abril nakabalik sa professional tennis ang Russian star matapos patawan ng 15-buwang suspension dahil sa paggamit ng ‘controlled’ drug.
Huling nanalo ng titulo si Sharapova noon pang taong 2015.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.