AFP, handang tulungan ang PDEA sa kampanya vs droga
Handang tumulong ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na gampanan ang bagong tungkulin nito na pangunahan ang kampanya ng pamahalaan laban sa ilegal na droga sa bansa.
Ayon kay AFP Chief of Staff Gen. Eduardo Año, handa ring magbigay ng suporta ang militar sa gagawing mga anti-illegal drug operations ng PDEA sa mga conflict-stricken areas.
Matatandaang kamakailan lamang ay tinanggal ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Philippine National Police (PNP) sa pagsasagawa ng operasyon kontra sa iligal na droga kasunod ng mga alegasyong inaabuso ng mga pulis ang kanilang kapangyarihan.
Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Col. Edgard Arevalo, matagal nang sinusuportahan ng AFP ang PDEA, PNP, at National Bureau of Investigation sa kanilang mga isinasagawang illegal drugs operation.
Base naman sa datos ng AFP regional task groups, 6,981 na joint operations ang kanilang ginawa kasa ang PDEA simula July 2016 hanggang September 2017 na nagresulta sa pagkakaaresto ng 1,241 habang 146 naman na mga drug suspects ang napatay.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.