Napahaba pa ang notice of airmen (NOTAM) ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) bunsod ng nag-overshoot na Cebu Pacific A320 aircraft sa Iloilo International Airport.
Sa abiso ng CAAP, aabot ang pagsasara ng naturang paliparan hanggang mamayang 7:00 ng gabi.
Base sa abiso, dumating na ang mga imbestigador ng CAAP mula sa Aircraft Accident Investigation and Inquiry Board (AIIB) kasama ang recovery team para imbestigahan at i-assess ang sitwasyon kaninang umaga via Roxas Airport.
Sa ngayon, nagpapatuloy ang runway clearing operations sa paliparan kung saan ginagamitan pa ng aircraft lifting equipment na dinala ng airforce C-130 mula Maynila hanngang Roxas Airport.
Dagdag pa nito, masungit na panahon din ang nararanasan sa gitna ng operasyon sa lugar.
Matatandaang unang sinabi ng CAAP na hanggang 6:00 ng Sabado ng gabi lang ang NOTAM.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.