Hapilon, Omar Maute, pinaniniwalaang nasa loob ng main battle area sa Marawi

By Angellic Jordan October 15, 2017 - 03:58 PM

Pinaniniwalaan ng tropa ng pamahalaan na namamalagi pa rin ang Abu Sayyaf Group leader na si Isnilon Hapilon at isa sa mga kilalang pinuno ng ISIS-inspired Maute group na si Omar Maute sa Marawi City.

Sa isang press briefing, sinabi ni Colonel Romeo Brawner, deputy commander of the Joint Task Group Ranao na naniniwalang nasa main battlle grounds pa ang dalawa.

Nabanggit naman ng Armed Forces of the Philippines na napatay na sa bakbakan ang iba pang Maute brothers na sina Abdullah, Madi at Otto.

Samantala, base sa pinakabagong tala ng militar, nasa 162 ang bilang ng nasawing militar habang mahigit 1,700 naman sa panig ng mga terorista.

Aabot naman sa 40 na miyembro ng Maute ang kasalukuyang umookupa sa dalawang ektaryang battle area sa lugar.

TAGS: AFP, Colonel Romeo Brawner, Isnilon Hapilon, marawi, Maute, omar maute, AFP, Colonel Romeo Brawner, Isnilon Hapilon, marawi, Maute, omar maute

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.