Sen. Trillanes, pinagdudahan ang bagong Pulse Asia Survey result kay Pang. Duterte

By Angellic Jordan October 15, 2017 - 02:09 PM

Inquirer photo

Duda si Senador Antonio Trillanes IV sa resulta ng pinakabagong Pulse Asia Survey kaugnay sa approval and trust ratings ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Base kasi sa survey, lumabas na mayroong malaking tiwala ang 80 percent na Pilipino sa pangulo.

Giit ng senador, imposibleng maliit lamang ang epekto ng sunud-sunod na kaso ng pagpatay sa mga kabataang lalaki sa ratings ng Punong Ehekutibo.

Aniya pa, posibleng nagkamali ang public opinion polling body kung saan maaaring nakumprumismo aniya ang mga researcher o ginawa ng namumuno ang mga sagot sa naturang survey.

Maliban pa dito, ipinunto pa ni Trillanes na hindi ito ang unang pagkakataon na nagkamali ang Pulse Asia halimbawa na aniya ang pagkakamali sa resulta noong 2007 na umano’y pagkatalo niya sa senatorial race.

TAGS: Antonio Trillanes IV, Pulse Asia Survey, Rodrigo Duterte, Antonio Trillanes IV, Pulse Asia Survey, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.