Poe, isinusulong ang karagdagang P2B para sa school-based feeding program

By Rhommel Balasbas October 15, 2017 - 02:58 AM

Upang matugunan ang pangangailangan ng mga estudyanteng “malnourished”, isinusulong ni Senator Grace Poe ang 2 bilyong pisong additional fund para sa implementasyon ng school-based feeding program.

Ayon sa senadora, kailangan ang pondo para maibigay ang nutrisyong kailangan ng aabot na sa 2.5 milyong estudyante na nakararanas ng malnutrisyon.

Gagamitin anya ang karagdagang pondo para sa pagbili ng mga equipment na kakailanganin upang makagawa ng mga bago o hindi kaya ay mapaganda ang kondisyon ng mga school kitchens.

Naglaan ang Department of Education o (DepEd) ng 5.3 bilyong pison pondo para sa feeding program sa panukalang 2018 General Appropriations Act.

Ngayong 2017, mayroong inilaang 3.9 bilyong piso ang kagawaran para mapakain ang 1.8 milyong estudyante.

Sakop ng feeding program ang mga “wasted at severely wasted” na mga mag-aaral mula Kinder hanggang Grade 6 sa buong bansa na papakainin sa loob ng 120 araw.

Ayon sa senadora, mahalagang mamuhunan ang bansa sa kinabukasan ng kabataan sa pagmamagitan ng pagsuporta sa kanilang nutrisyon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.