MMDA, iminumungkahing gawing holiday ang ASEAN Summit Week

By Rhommel Balasbas October 15, 2017 - 12:52 AM

Iminumungkahi ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa Malacañang na ideklarang holiday ang Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) summit na gaganapin sa Nobyemre 10 hanggang 14.

Ito ay sa kabila ng sunud-sunod na convoy dry run na isinasagawa bilang paghahanda para sa nasabing pagtitipon.

Ayon kay MMDA spokesperson Celine Pialago, inirekomenda na nila kay Pangulong Duterte na isuspinde ang klase sa Nobyembre 13 hanggang 15.

Inaasahan kasing magiging mabigat ang trapiko sakaling ipatupad na ang stop-and-go traffic scheme sa pagdaan ng convoy ng ASEAN members and partners.

Ayon kay Pialago, maiiwasang maabala ang mga estudyante kung sakaling ipapatupad ang week-long suspensyon.

Gayunpaman, desisyon pa rin anya ng Pangulo kung isususpinde ang klase at pasok sa mga opisina.

Nauna na ngang napagdesisyunan ng Metro Manila Council ang suspendihin ang pasok sa eskwela sa Nobyembre 16 at 17 para bigyang daan ang ASEAN-related meetings.

Tuluy-tuloy pa rin namang isasagawa ang mga convoy dry run mula sa Clark Pampanga hanggang Pasay tuwing Linggo hanggang maganap na ang summit.

TAGS: ASEAN Summit 2017, Celine Pialago, mmda, ASEAN Summit 2017, Celine Pialago, mmda

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.