Malacañang: Mga Pinoy sa Northern California nananatiling ligtas sa wildfire
Walang naiulat na Pinoy na nasugatan sa wildfire sa Northern California ayon sa ulat ng Malacañang.
Ipinahayag ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella ang pakikiramay ng Pilipinas sa mga naapektuhan ng wildfire na nagpalikas sa libo-libong katao.
Ayon kay Abella, patuloy namang binabantayan ng Consulate General sa San Francisco ang 18,000 Pilipinong nasa lugar.
Tinupok ng mga serye ng wildfire ang Wine Country ng California simula pa noong October 8.
Nasawi rito ang hindi bababa sa 30 katao at nawalan ng tirahan ang libo-libong katao.
Aabot sa 20,000 ang inilikas dulot nito ayon sa report ng Federal Emergency Management Agency (FEMA).
Mahigit 73,000 acres o mahigit 29,500 ektarya ang napinsala ng apoy na hanggang ngayon ay hindi pa rin naaapula ng mga otoridad.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.