CAAP naglabas ng notice to airmen kaugnay sa pagsasara ng Iloilo Airport

By Mark Makalalad October 14, 2017 - 03:07 PM

Inquirer photo

Ginagawa ng Civil Aviation Authorities of the the Philippines at ng Cebu Pacific ang lahat ng paraan upang tuluyang matanggal ang eroplano na nag-overshoot sa runway at magamit na ang Iloilo international airport.

Kaugnay nito, sinabi ni CAAP Spokesperson Eric Apolonio na naglabas ng NOTAM o Notice to Airmen na nagsasaad na sarado muna ang operasyon ng paliparan ngayong araw.

Ayon kay Apolonio, mananatiling sarado ang Iloilo Airport hanggang mamayang alas sais ng gabi dahil sa sumadsad na eroplano ng Cebu Pacific kagabi

Humihingi rin daw ng paumanhin ang pamunuan ng nasabing airline company sa pagkaantala ng kanilang mga byahe.

Sa kabuuan 12 flights ng cebu pacific ang kanselado dahil sa insidente, habang apekado rin ang anim na flights ng PAL Express.

TAGS: cebu pacific, iloilo airport, NOTAM, cebu pacific, iloilo airport, NOTAM

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.