Marian procession sa Cebu dinagsa ng mga deboto
Libo-libong mga deboto ang nakiisa sa Marian procession sa Cebu City Biyernes ng gabi.
Kasabay ito ng pagdiriwang ng ika-100 anibersaryo ng Our Lady of Fatima sa Portugal.
Sa kabila ng nararanasang pag-ulan sa lungsod, sinabi ng Cebu City police na umabot ng 8,500 ang dumalo sa prusisyon na nagsimula sa Provincial Capitol hanggang sa Basilica Minore del Sto. Niño.
Umabot sa 20 karosa mula sa ibat-ibang parokya ang nakiisa sa prayer walk na natapos ng lagpas hatinggabi. Matapos ang prusisyon, isang misa ang idinaos sa pangunguna ni Cebu Archbishop Jose Palma.
Sa kanyang homily, sinabi ni Archbishop Palma na ang selebrasyon ay pagpapa-alala ng kahalagahan ng Diyos sa ating buhay at ang pagmamahal ng Diyos sa tao.
Ang unang aparisyon ng Birheng Maria ay nasaksihan ng batang pastol na si Lucia Santos kasama ang pinsan na sina Jacinta at Francisco Marto sa Portugal noong May 13, 1917.
Naulit ito sa mga susunod na buwan at ang pinaka-huli ay naganap October 13, 1917 kung saan nasaksihan ang
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.