Cebu Pacific nagkansela ng flights sa Iloilo hanggang bukas
Ilang domestic flights ng Cebu Pacific papuntang Iloilo, kanselado hanggang bukas
Kanselado ang mga domestic flights ng Cebu Pacific papuntang Iloilo ngayong araw.
Ito’y kasunod na rin ng emergency landing ang Cebu Pacific Flight 5J 461 sa Iloilo International Airport.
Oct. 14, 2017
o 5J 468 Iloilo-Manila
o 5J 449/450 Manila-Iloilo-Manila
o 5J 451/452 Manila-Iloilo-Manila
o 5J 453/454 Manila-Iloilo-Manila
o 5J 721/720 Iloilo-Davao-Iloilo
o 5J 255/256 Iloilo-Singapore-Iloilo
o DG 6408/6409 Cebu-Iloilo-Cebu
o 5J 447/448 Manila-Iloilo-Manila
o 5J 467 Manila-Iloilo
o 5J 457/458 Manila-Iloilo-Manila
o 5J247/248 Iloilo-General Santos-Iloilo
o 5J165 Iloilo-Cebu
- Oct. 15, 2017
o 5J451/452 Manila-Iloilo-Manila
o 5J453/454 Manila-Iloilo-Manila
o 5J457/458 Manila-Iloilo-Manila
o 5J468 Iloilo-Manila
o 5J348/347 Davao-Iloilo-Davao
o DG6408/6409 Cebu-Iloilo-Cebu
Nag-abiso naman ang naturang kumpanya sa mga apektadong pasahero na maari silang magre-book ng kanilang flights for travel sa loob 30 days mula original departure date o kaya naman ay magpa-refund na lamang.
Matatandaang kagabi pagdating ng A320 aircraft sa Iloilo dakong 11:15 ng gabi ay bigla na lamang ito nag-overshoot sa runway makaraang lumapag.
Naging ligtas naman ang 180 na pasahero ng nasabing eroplano.
Sa ngayon, nananatili pa ring sarado ang runway ng Iloilo International Airport dahil sa insidente.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.