41 gov’t vehicles ipapakalat ng MMDA sa transport strike sa Lunes

By Jan Escosio October 14, 2017 - 01:19 AM

Para maibsan ang magiging epekto ng ikakasang tigil-pasada ng mga pampasaherong jeep sa darating na Lunes at Martes,

Ayon kay Celine Pialago, tagapagsalita ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), 41 government vehicles ang magbibigay ng libreng sakay sa mga maaabalang pasahero.

Magmumula aniya sa Armed Forces of the Philippines (AFP), Department of Public Works and Highways (DPWH) at Philippine Coast Guard ang mga sasakyang gagamitin para sa libreng sakay.

Aniya muli lang din nilang ilalatag ang kanilang contingency plan na isinagawa sa mga nakalipas na transport strike.

Itinalaga namang staging area ng libreng sakay ay ang MMDA office sa Guadalupe, Makati City, Camp Aguinaldo sa Quezon City, Luneta Grandstand sa Maynila, Manila Central University sa Caloocan City, SM Marikina at HK plaza.

Sinabi pa ni pialago na inaasahan nilang lubos na maapektuhan ang kahabaan ng Commonwealth Ave. sa lungsod ng Quezon dahil dito bumibiyahe ang mayorya ng mga miyembro ng grupong PISTON.

Magsasagawa ng protesta ang mga miyembro ng PISTON bilang pagtutol sa jeepney modernization program.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.