Cebu Pacific flight sa Iloilo, nag-emergency evacuation

By Kabie Aenlle October 14, 2017 - 12:58 AM

Kinailangang magsagawa ng emergency evacuation ang flight 5J 461 ng Cebu Pacific na biyaheng Manila to Iloilo, Biyernes ng gabi.

Ayon sa inilabas na advisory ng Cebu Pacific, nasangkot sa insidente ang nasabing flight paglapag nito sa Iloilo International Airport.

Ayon kay Charo Logarta Lagamon ng Cebu Pacific, may sakay na 180 pasahero ang nasabing eroplano pero tiniyak niyang ligtas naman ang kalagayan ng mga ito

“The crew initiated emergency evacuation. All passengers are accounted for and are safe. They are being attended to by airport personnel,” ayon sa advisory.

Sa pinakahuling update ni Logarta, lumabas aniya sa mga inisyal na ulat na biglang dumausdos ang eroplano sa gilid ng runway ng paliparan.

Mismong ang kapitan naman ang naghudyat ng evacuation para matiyak ang kaligtasan ng 180 pasahero at anim na crew.

Agad namang nakipagtulungan ang Cebu Pacific s mga otoridad ng paliparan para mapabilis ang muling pagbubukas ng nasabing runway.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.